Timbog ang limang Chinese national kabilang ang isang Pilipino sa follow-up operation ng pulisya matapos kidnapin ang kanilang 26 na kabaro at dinala sa hideout ng mga ito sa Sta. Ana, Manila nitong Linggo.
Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code (kidnapping and Serious Illegal Detention) ang mga suspek na kinilalang sina Bo Wen Li, 31 ; Ma Jian Cun , 23 ; Yan Ming , 25 ; Wu Jin Mai, 25 pawang nanunuluyan sa 2331 Garrido St., Sta.Ana, Manila at isang Pinay na si Merry Joy Segador, 29, lover ng isa sa suspek.
Naaresto ang mga suspek sa kanilang hideout sa nasabing lugar alas-11 ng gabi nitong Linggo, batay sa ulat ni P/ Lt Col.Orlando Mirando Jr., Station Commander ng Manila Police Station 6.
Una rito, nagkasa umano ng ransom money ang mga suspek sa halagang P300,000 para sa kalayaan ng biktimang si Zheng Haoang, businessman ng Garrido St. sa Sta. Ana.
Lingid sa mga suspek, isang Antonio Cuyugan ang nag-report sa naturang himpilan ng pulisya kaya agad na ikinasa ang pagsalakay.
Dito na nagsanib-pwersa ang mga tauhan ni Mirando at ng ilang mga tauhan ni P/Major Cicero Pura, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit ng MPD, at natimbog ang mga suspek.
Matapos isa ilalim sa medical Check up itinurnover na ang lima sa tanggapan ng MPD – General Assignment Investigation Section na inihanda ni P/SSg Kaiser Mijares ang mga dokumento ng pag aresto.
EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST
No comments:
Post a Comment