Posibleng binabangungot na ng kanyang konsensya hanggang sa hindi na makayanan ay nagpakamatay nalang ang isang Board of Director ng ISELCO II na isa rin umanong nasa likod ng pagpatay kay Internal Audit Manager Agnes Palce na asawa ng isang judge matapos magbaril sa sarili ng madaling araw.
Kinilala ang nasawi na si Michael Paguirigan, 59-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Sta Barbara, City of Ilagan dito sa nasabing lalawigan.
Dakong 4:15 ng madaling araw subalit naipagbigay alam sa naturang himpilan kaninang alas-5:15 ng umaga.
Bago nagpatiwakal si Paguirigan ay nakaupo umano ito sa bukana sa kanilang sala at mayroong nakapatong na unan sa kaniyang dibdib.
Dahil dito, pinuntahan umano siya ng kaniyang asawa at tInanong kung ano ang ginagawa doon ngunit bigla na lamang siyang nakarinig ng putok ng baril.
Nang balikan ay bumulagta ang duguan na katawan ng biktima.
Kung saan ay sinubukan dalhin ito sa pagamutan subalit binawian din ng buhay. Rey Velasco
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment