Balik-Quezon City Hall ang Kapuso actress na si Aiko Melendez pagkaraang mailuklok siya ng taong-bayan ng ika-5 distrito sa katatapos lang na eleksyon.
Kabilang si Aiko sa mga local official ng Quezon City na naiproklama na ng COMELEC noong Martes ng hapon, May 10 sa QC hall.
Mahigit isang dekada rin siyang nagpahinga sa pulitika.
Dati na siyang nanungkulan bilang isa sa miyembro ng QC city council noong June 30, 2001 to June 30, 2010 hanggang mapagdesisyunan niyang mag-concentrate muna siya sa showbiz at saka na lang balikan ang politics.
Successful pa rin ang political comeback ni Aiko as she will officially start ng tungkulin niya bilang city councilor sa June 30, 2022.
A day after her proclaimation, trabaho na agad ang aktres sa distrito singko. Namahagi siya ng AICS (Assistance In Crisis Situation) para sa youth sector ng nasasakupang distrito.
Ayon kay Aiko, tulad daw nang naipangako niya noong panahon ng kampanya, walang iwanan.
"Gaya ng aking nasabi noong kampanya, hindi ko iiwan ang bawat sektor. Tutulong at magtatrabaho ako para sa inyo," nabanggit niya sa kanyang post sa social media.
Naipangako pa ng award-winning actress sa kanyang mga constituent ng distrito singko.
"Makakaasa po kayong lahat ng isang tapat na pagserbisyo mula sa amin. Dahil karangalan naming makapag-serbisyo sa inyo," bahagi pa rin ng post ni Aiko.
Nagpaabot naman ng pagbati ang kanyang boyfriend na si Jay Khonghun na wagi rin bilang kongresista ng first legislative district ng Zambales.
Aniya, "Congratulations Baby Councilor Aiko Melendez. District 5 Quezon City is so luck to have you!"
MARU BOK – HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment