Ngayong tapos na ang eleksyon, silipin natin kung sino-sino sa mga local celebs natin ang magwagi at nakasungkit mg pwesto, at kung sino-sino ang nananahimik at luhaan dahil olats.
Lady Luck is not on the side of the presidentiables Manila mayor Isko Moreno and boxing champ Senator Manny Pacquaio.
Same goes with Senate President Tito Sotto, na tumakbong bise presidente, at ang mister ni Sharon Cuneta na si Sen. Kiko Pangilinan, na parehong natalo sa vice presidential race.
Ngayon patapos na rin ang unofficial count sa senatorial race ay lagging behind pa rin si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, na nasa ika-14 na puwesto sa unofficial count. Mukhang makakahabol naman si Jinggoy Estrada na nakakapit sa ika-12 na puwesto sa ngayon.
Unlucky din sa senatorial race si Monsour del Rosario na nasa ika-29 na puwesto.
Mukhang bomalabs na rin ang partylist na Mothers for Change (Mocha) ni Mocha Uson, dahil hindi nila nakuha ang itinakdang numero ng boto.
Olats din sa pagka-kongresista sa 1st District ng Cebu City si Richard Yap. Same goes with Angelica Jones sa 3rd District ng Laguna.
Iba naman ang takbo ni Robin Padilla na currently ay nangunguna sa senatorial race pero mukhang minalas ang kapatid na si Rommel Padilla na makuha ang congressional race sa 1st District ng Nueva Ecija.
Hindi pinalad sa pagtakbong as governor ng Camarines Sur ang singer na si Imelda Papin. Olats din ang basketball star na si Alvin Patriminio sa mayoralty race sa Cainta, Rizal.
Hindi rin pinalad sa mayoralty race sa Calamba, Laguna si ER Ejercito. Gayundin si Teri Onor na tumakbong vice mayor sa Abucay, Bataan.
Sa Maynila, hindi nakuha ni Raymond Bagatsing ang vice mayoral seat dahil si Yul Servo ang nagwagi.
Sa pagka-konsehal sa 4th District sa Quezon City, nasa pang-11 na puwesto lang si Hero Bautista, at pang-walo si Bobby Andrews.
Bigo rin na makabalik sa konseho ng Caloocan si Dennis Padilla. Talo rin sina Arci Muñoz bilang konsehal sa Cainta, Rizal at si Claudine Barretto bilang konsehal sa Olongapo.
Muli namang nanalo bilang governor ng Bulacan si Daniel Fernando, ganu'n din ang kanyang ka-tandem bilang vice governor, ang dating aktor na si Alex Castro.
HAZEL HEDI – HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment