[New post] MAYOR DENNIS HAIN, MAGSISIMULA NA SA TUNGKULIN
Arjay Alakdan Salgado posted: " CABUYAO CITY, Laguna - Matapos ang pormal na seremonya ng pagtanggap sa tungkulin na ginanap sa Cabuyao Athlete's Basic School, magsisimula na sa paglilingkuran sa mga Cabuyeños si Mayor-Elect Dennis Hain. Binuksan ang aktibidad sa pamamagitan ng isa" SERBISYO BALITA Online News
CABUYAO CITY, Laguna - Matapos ang pormal na seremonya ng pagtanggap sa tungkulin na ginanap sa Cabuyao Athlete's Basic School, magsisimula na sa paglilingkuran sa mga Cabuyeños si Mayor-Elect Dennis Hain. Binuksan ang aktibidad sa pamamagitan ng isang banal na misa at nagtapos sa paghahandog ng pamilya Hain ng isang libreng concert para sa kasiyahan ng mga dumalo. Bagama't bago pa man sumapit pormal na pagtatapos ng palatuntunan ay bumuhos na ang malakas na ulan, naging makasaysayan at masaya pa din ang nasabing okasyon para sa mga nagsidalo at nakisaya sa nasabing aktibidad.
Sa panayam ng Serbisyo Balita News Team sa bagong halal na alkalde, pabiro nitong sinabi na ang pagbuhos ng ulan ay senyales na bubuhos ang napakaraming magagandang pagbabago sa lungsod at kapakinabangan ng bawat Cabuyeño. Ayon pa dito, totoo sa kanyang pangako noong panahon ng kampanya na ibabalik niya sa mamamayan ang kaban ng bayan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng napakarami't nararapat na programa at proyekto para sa kapakinabangan ng bawat pamilyang Cabuyeño.
Idinagdag pa ni Mayor Hain na ang unang araw ng kanyang paglilingkuran sa mamamayan at lungsod ng Cabuyao ay maghuhudyat ng simula ng pagbabago at kaunlaran ng lungsod. Aniya, isasaayos niya ang sistema ng pamahalaang lungsod sa paghahatid ng serbisyo sa bawat mamamayan, at isasaayos nito ang mga pangunahing imprastraktura tulad ng mga kalsada, Barangay Health Centers, drainage system, at marami pang ibang pagawain.Na
Samantalang nagpasalamat si Mayor Dennis Hain sa mga nagsidalo at sa lahat ng mga sumuporta at nagtiwala sa kanya. Isinama na din niya sa kanyang pasasalamat sa pamilya niya na laging nasa kanyang tabi upang bigyan siya ng lakas ng loib at inspirasyon upang isulong ang pagbabago sa lungsod. Kasama din nito nagpasalamat ang nagbabalik na Councilor-Elect Dondon Hain pati na din ang ama nilang tinaguriang "Alamat ng Cabuyao" na di Banoy Hain. (Ulat nila: JAYSON ARELLANO at LAARNI BARAIRO)
No comments:
Post a Comment