Happy si Rose Van Ginkel dahil muli niyang nakasama sa pelikulang 5-in-1 si Wilbert Ross.
Aniya, gamay na raw niyang katrabaho ang aktor na para sa kanya ay oozing with sex appeal.
Hindi rin daw niya malilimutan ang ilang pilyong eksena nila ng paboritong leading man sa pinakabagong obra ng multi-awarded director na si GB Sampedro.
May eksena raw kasi na habang naglalampungan sila ni Wilbert ay kailangan niyang talunin ito.
Dahil sa impact daw ng kanyang pagtalon, napuruhan daw ang betlog ni Wilbert kaya raw nasaktan ito.
Katunayan, kinailangan daw nilang i-cut ang eksena at ulitin ang nasabing sequence.
Sa tunay na buhay daw, naranasan na niyang mamanyak ng lalake at talaga raw namang nakakapanginig ng laman ang kanyang naging karanasan.
Katunayan, every time raw na may nabalitaan siya na nabastos na babae, medyo kinikilabutan siya.
Palabas na sa Setyembre 23 ang 5-in-1 (Patay kang Manyak Ka ) sa Vivamax. Tampok din sa pelikula sina Debbie Garcia, Jela Cuenca, Angela Morena, Ava Mendez, Pio Balbuena at Giselle Sanchez.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment