Arestado ang isang Ghanian na hinihinalang mastermind ng West African syndicate na nagha-hack ng automated teller machines (ATMs) sa Pilipinas.
Kinilala ni Immigration Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang African bilang si Victor Patrick, 34, na naaresto sa joint operation ng BI at nang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa parking lot ng isang mall sa Bicutan .
Ayon kay Manahan,naglabas ng mission order kasunod ng liham na ipinadala ng local intelligence authorities hinggil sa ilegal na aktibidad ni Patrick sa bansa.
"The AFP said that Patrick is one of the prime suspects involved in an ATM hacking syndicate. He has been seen to frequent several big banks in Brgy. Moonwalk in Parañaque," sabi ni Manahan.
Ibinahagi pa ni Manahan na matapos maberipika ang travel history at visa status ni Patrick, nabatid na dumating sa bansa ang dayuhan noong Abril 20, 2019 gamit ang tourist visa at nag-apply ng missionary visa, na penitisyon ng isang kumpanyang nakabase sa Cebu.
Nagsagawa ng survellaince ang BI sa ipinahayag na address ng kumpanya at natuklasan na ang nasabing kumpanya ay hindi umiiral.
Samantala, ibinunyag ni Immigration Commissiner Norman Tansingco na si Patrick ay mahaharap sa deportation charges dahil sa paglabag sa Section 37(a)(9) ng Philippine Immigration Act of 1940 matapos makakuha ng immigration document sa ilalim ng maling pahayag at representasyon.
"Patrick's visa is deemed void from the start considering that it was obtained by means of fraud," sabi ni Tansingco.
Dagdag pa ni Tansingco, nakikipag-ugnayan sila sa local law enforcement agencies upang mahanap at maaresto ang posibleng mga kasabwat nito at iba pang foreign scammers na nasa bansa.
EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST
No comments:
Post a Comment