Mas naging produktibo ang mga empleyado sa hybrid set-up o work-from-home ng mga kompanya.
Ito ang sinabi ni Senator Grace Poe ngayong Miyerkules, Setyembre 28 kung saan nakapagbigay ng iba't ibang mabuting dulot ang hybrid work arrangements sa pisikal, emosyonal at mental na kalusugan ng mga manggagawa.
Dagdag pa rito, nasa P50,000 taon-taon rin ang natitipid ng isang empleyado sa pagkain at gasolina kung ito ay babyahe pa papuntang opisina.
"If they don't have to leave their homes, 75 percent of those surveyed feel they are physically better working from home. And also they like it because they're able to spend more time with their families," pahayag ni Poe sa panayam ng ANC.
Matatandaan na pinayagan na ng pamahalaan ang sektor ng business process outsourcing na lumipat sa Board of Investments mula sa Philippine Economic Zone Authority upang magpatuloy ang remote work arrangements nito hanggang Disyembre 31.
Ani Poe, makapagbibigay pa ng mas maraming oportunidad ang hybrid work setup sa susunod na taon.
"Right now, we are looking at 1.4 million individuals that are in the contact center industry. That will significantly increase with this work-from-home setup because they don't have to pay too much when it comes to office space… So, I think this is quite promising."
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment