Bagama't patuloy pa sa pananasala ang Severe Tropical Storm Paeng sa Luzon, isa na namang panibagong low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ang panibagong LPA ay namataan sa timog-silangan ng bagyo o nasa 1,700 kilometro silangan ng Mindanao.
"Meron po tayong namataan na low pressure area sa labas ng Philippine area of responsibility, around 1,700 kilometers po sa silangan ng Mindanao," ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja.
Nasa labas pa ito ng Philippine area of responsibility sa ngayon subalit posible itong pumasok at manalasa sa bansa sa darating na Lunes.
"Itong low pressure area ay posibleng pumasok ng ating area of responsibility pagsapit po ng Lunes, so bago pa matapos ang buwan ng October ay meron pa tayong weather disturbance na mino-monitor sa ngayon, at sa mga unang araw po ng November ay unti-unting lalapit sa ating kalupaan," dugtong pa nito.
Inaasahan naman na sa Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng gabi ay aalis na ng PAR ang bagyong Paeng.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment