Arestado ang isang senior citizen na lalaki na nagpakilalang isang abogado at ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) nang sitahin habang nagtipon-tipon sa loob ng isang subdibisyon sa Dasmarinas City, Cavite Linggo ng umaga.
Kasong paglabag sa Usurpation of Authority ang kinakaharap ng suspek na si Gineral Ford Sam Hermogenes Jr y Flores, 65, binata, ng Blk 32 Lot 22 Acacia St., Brgy Bulihan, Silang Cavite.
Nauna dito, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa Brgy Chairman, ng Brgy Salitran 3 hinggil sa grupo ng tao na nagtitipon sa Molino Homes 2 Subd., Brgy Salitran 3, Dasmarinas City alas-10:30 kamakalawa ng umaga na ikinabahala umano ng mga homeowners.
Agad namang nagresponde ang pulisya kung saan isang lalaki ang kumausap sa kanila na nagpakilalang isang abogado at ahente ng NBI at nagpakita ng isang NBI Identification Card na pirmado ni HA Danielito Lalusis, Chief IPRD. Wala ring dokumento na maipakita ang suspek na isa itong abogado.
Dahil dito, nagduda ang pulisya kaya inalam ito sa NBI at nalaman na peke ang nasabing ID gayundin ang pagiging abogado nito dahilan upang siya'y arestuhin.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment