Talaga namang windang ang mga netizen sa pasabog na kaseksihan ni Rhian Ramos lalo na ang kanyang mini bikini, pero binunyag ng aktres na dahil pala dito ay napagalitan siya ng kanyang lola.
Na-interview ng programang 'Anything Goes with Jun Lalin' ang Kapuso actress sa isang event at dito naitanong kay Rhian kung ano ba ang naging reaksyon ng kanyang dyowa na si Sam Verzosa sa issue ng pagsusuot niya ng bikini na para sa marami ay super daring.
Sabi ni Rhian, "I honestly didn't know na ganoon kalaki pala 'yung magiging reaction. Kasi for me, normal sa akin na magsuot ng ganoong swimsuit.
Paliwanag pa ng aktres, ayaw raw talaga kasi niya na magkaroon ng tan lines kaya naman normal na sa kanya ang magsuot ng mga ganitong bikini.
"Anyway nung nangyari 'yun napagalitan pa ako ng lola ko. So, you know on one hand it's nice on the other hand 'oh no what did I do," pagbabahagi ni Rhian.
Para naman sa dyowa niyang si Sam, "He liked it hindi siya nabastusan. Kasi I guessed he knows me also and he knows I'm really wearing swuimsuit for tanning. It's not for anyone else."
Ang ginawa na lang umano ni Rhian ay maayos na pinaliwanag sa kanyang lola na wala namang malisya sa kanyang suot.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment