Sumipa sa 31 porsyento ang arawang kaso ng COVID-19 infection na naitala ng Department of Health mula Mayo 8 hanggang 14 ngayong taon.
"Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,773, mas mataas ng 31 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 1 hanggang 7," ayon sa DOH.
Sa datos na inilabas ng DOH nitong Lunes (Mayo 15), mula Mayo 8 hanggang 14 ay nasa 12,414 bagong kaso ang naitala sa bansa.
Sa mga bagong kaso, 53 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman samantalang wala namang naitala na pumanaw noong Mayo 1 hanggang 14.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment