Ibinahagi ni Michelle Madrigal ang tungkol sa kanyang healing journey.
Ayon sa actress-turned-realtor, marami siyang natatanggap na mensahe mula sa mga babaeng na-stuck sa toxic relationship o 'di kaya'y mga dumadaan sa divorce.
Nang tanungin siya kung kanino siya humuhugot ng lakas, sinagot niya ito at sinabing sa tatay niya siya umiiyak.
Pero tumigil na raw siya sa pag-worry sa future. Mas pinahahalagahan daw niya ang "Reciprocated energy. Reassurance. Consistency. Commitment. Communication" as well as "Prayers + Surrendering" kesa ang mabahala.
Pahayag niya sa kanyang post, "I still have to do the inner work but by the grace of God… I'm here. Rebuilding my life one day at a time."
Hindi rin daw madali ang magpagaling at inaming nasa healing process pa siya.
"I still make mistakes, fall into old patterns and habits."
Nag-divorce sila ng dating mister na si Troy Woolfolk noong April 2022 at may isa silang anak na si Anika.
Samantala, nilantad niya ang karelasyong si Kyle noong August nakaraang taon pero lumabas ang isyung hiwalay na sila nang burahin niya ang mga litrato nila sa kanyang social media account. Nakadagdag pa sa haka-hakang ito ay nang mag-post siya tungkol sa kanyang healing journey.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment