Ipinasisilip ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo sa Kamara de Representantes ang pagkabigo umano ng mga lokal na pamahalaan na ibigay ang benepisyong para sa mga solo parent sa ilalim ng Expanded Solo Parents Act (RA 11861).
Sa House Resolution 1150, sinabi ni Tulfo na marami itong natatanggap na reklamo na hindi nakukuha ng mga solo parent ang kanilang ayuda sa oras mula sa mga lokal na pamahalaan kung saan sila nakatira.
"It has come to my attention that the implementation of the Expanded Solo Parent Act under Republic Act 11861 should be and must be revisited due to non-compliance of several of its provisions, ironically by several local government units and business establishments," sabi ni Tulfo.
Sa ilalim ng RA 11861, ang mga solo parent ay may matatanggap na P1,000 kada buwan mula sa kanilang lokal na pamahalaan.
Bukod dito ang mga solo parent ay mayroong 10% discount at exemption sa pagbabayad ng value-added tax sa mga partikular na produkto at awtomatikong isasali sa National Health Insurance Program.
"This beautiful law was crafted to help solo parents from the burden of raising their children by themselves," dagdag pa ng mambabatas. "However, what good will it be if our solo parents do not fully benefit from this that was intended solely to help them raise their children."
Inatasan din ni Tulfo ang Department of Trade and Industry (DTI) na tiyakin na naibibigay ang diskuwento sa mga solo parent.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment