Kinuwestiyon ng mga mangangalakal at stakeholder sa domestic logistics industry ang pag-endorso ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa Container Ledger Account (CLA) na pag-aari ng Malaysian firm, bilang bahagi ng mga container deposit na kinokolekta ng mga shipping lines.
Dahil dito ay maaari umanong maharap sa kasong graft si Bautista dahil sa pag-endorso ng container monitoring system na pag-aari ng ibang bansa nang hindi sumasailalim sa karaniwang proseso ng bidding at maging sa Regulatory Impact Assessment mula sa Anti-Red Tape Authority.
Ayon sa source sa kalakalan at logistic, sumasalungat ang opsyon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na isulong ang domestic technology, sa kautusan ni Bautista kay Joseph Collantes, operations manager ng RCL Feeder Pte. Ltd. at sa kinatawan nito na si Jesus Sedano, para mag-subscribe sa CLA na umanoy isang "tacit admission" ng problema na kinasasangkutan ng container deposit scheme.
Nabatid na sa liham noong Hulyo 12 kay Collantes, sinabi ni Bautista na ang pagkaantala sa refund ng container deposits at unreturned deposits sa milyun-milyong piso ay patuloy na nagpapabigat at lumilikha ng mga problema sa pananalapi para sa maraming importer na ngayon ay naging problema sa industriya.
Hinihikayat pa umano ng DOTr ang mga Shipping Lines/Shipping Agents, NVOCCs na tanggapin ang sumusunod na pagsasanay para sa sa pagdeposito ng container sa Pilipinas.
Naka-block pa rin ang Trusted Operator Program- Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS), ng Philippine Ports Authority (PPA), na itinatag ng isang lokal na kumpanya upang alisin ang pangangailangan para sa container deposits at management fees na kinokolekta ng shipping lines.
Bilang karagdagan, ang gobyerno, sa ilalim ng TOP-CRMS, ay nakaposisyon upang matunton ang mga aktibidad ng smuggling sa iminungkahing proseso.
Ang 14,000-strong Chamber of Customs Brokers Inc. ay sumusuporta sa TOP-CRMS dahil hindi na kailangang magbayad ng mga miyembro nito para sa mga deposito upang masakop ang pagkawala at pinsala ng mga container.
"For the last two decades, Customs brokers have seen and experienced the perennial problem of different international shipping lines collecting container deposits before the release of delivery orders. The amount ranges from P10,000 to P20,000 per twenty-foot equivalent unit, or TEU, to up to P100,000 for specialized containers such as flat rack and reefer container," batay sa liham ni CCBI president Adones Carmona kay PPA general manager Jay Santiago.
BECCA DANTES – HN HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment