Kinumpirma kahapon ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakadakip sa isang puganteng South Korean sa loob ng Camp Crame sa Quezon City.
Natiyempuhan umano ng mga ahente ng BI ang South Korean na si Son Sobeom, 33-anyos sa loob ng Camp Crame noong Linggo.
Inakusahan ito na kabilang sa isang sindikato na nanloko ng 188 milyong won o halos P8 milyon sa kanilang bansa.
Ayon kay BI Commissioner, naisyuhan ito ng warrant of deportation noong 2017 dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien kasunod ng impormasyon mula sa South Korean government na umalis ito sa kanilang bansa para takasan ang kasong fraud na isinampa laban sa kanya noong 2016.
Nabatid na kinansela na rin ng South Korean government ang passport nito matapos siyang isyuhan ng warrant of arrest ng Suwon District Court dahil sa nasabing kaso.
Miyembro umano si Son ng telecom fraud syndicate na nagpanggap na empleyado ng isang telecom company at nag-aalok ng mas mababang interest sa pautang sa pamamagitan ng text message sa kanilang mga
biktima.
Mananatili itong nakaditine sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group Anti-Transnational Crime Unit (PNP-CIDG-ATCU) facility habang inaayos ang kanyang deportasyon.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment