Kinumpirma ng Department of Justice na kinasuhan ang nasibak na congressman na si Arnolfo Teves Jr. kaugnay sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, nakahain na sa korte sa Maynila ang mga kasong murder, frustrated murder at attempted murder kay Teves.
Isa sa mga kasong ito ay may kinalaman sa pamamaril kay Degamo.
"Naifile na po sa Manila, nasa korte na rin at hinihintay lang din po ang warrant of arrest," lahad ni Clavano.
Nag-aabang na ang DOJ sa arrest warrant para kay Teves, na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumulutang matapos mangibang bansa.
Bukod kasi sa kasong may kaugnay kay Degamo ay may ilan pa itong murder charges katulad ng sa pagkamatay ni dating Negros Oriental provincial board member Michael Dungog noong 2019.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment