Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang hindi makapasok ng bansa ang isang Chinese national na hinatulan ng sex crimes sa United States.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na si Kang Gong, 26-anyos, na naharang sa NAIA 3 terminal sa kanyang pagdating sa pamamagitan ng Cathay Pacific flight mula Hongkong.
Sinabi ni Tansingco na mahigpit na ipinagbabawal ng Philippine immigration act ang pagpasok sa Pilipinas ng mga dayuhang nahatulan ng mga krimen na may kinalaman sa moral turpitude dahil malamang na gumawa sila ng parehong pagkakasala kung sila ay papayagang makapasok sa bansa.
"He was thus excluded and booked on the first available flight to his port of origin," sabi ng hepe ng BI, at idinagdag na ang pagharang ni Gong ay naging posible matapos ang kanyang pangalan ay nakarehistro sa database ng Interpol ng mga nahatulang dayuhan.
Ang impormasyong nakuha mula sa national central bureau (NCB) ng Interpol sa Maynila ay nagbubunyag na si Gong ay ipinatapon sa China mula sa US noong Okt. 22, 2021.
Siya ay pinatalsik ng gobyerno ng US halos pitong buwan matapos siyang hatulan ng isang circuit court sa Michigan sa tatlong bilang ng pang-aabusong sekswal sa bata at paggamit ng mga computer sa pamamahagi at pag-promote ng sex pornography.
Ginawa umano ni Gong ang krimen mula Abril hanggang Hulyo 2000 nang makatanggap siya ng mahigit isang daang pornographic na materyal ng mga batang inabusong sekswal at ipinamahagi ito sa publiko.
"We cannot allow this undesirable alien to enter our country, lest our Filipino children become his next victims," ani Tansingco.
Ang pangalan ni Gong ay kasama sa blacklist ng Bureau of unwanted alien.
ATTY. EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST
No comments:
Post a Comment