Pinaghahanap ngayon ng Cavite police ang isang hinihinalang Akyat Bahay makaraang tangayin ang milyong halaga ng relos sa bahay ng isang senior citizen sa Silang, Cavite Biyernes ng madaling araw.
Nakikipag-ugnayan ang Silang Police sa kalapit na istasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng suspek.
Sa salaysay ng biktima na si Aurora Yabot y Danike, 78, may-asawa, ng Brgy. Inchican, Silang Cavite na natutulog siya sa loob ng kanyang kwarto nang magising siya sa ingay sa dressing room alas-4:00 ng madaling araw.
Nang mag-usisa, nakita niyang nagkalat ang kanyang gamit sa loob ng cabinet at nawawala rin ang kanyang Audemars Piguet na relo na nagkakahalagang P2,000,000.00.
Sa imbestigasyon, lumalabas na umakyat ang suspek sa second floor ng kanyang bahay at pumasok sa bintana kung saan doon din lumabas at tumakas.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment