Naiiyak si Lian Paz habang inaalala ang kanyang mga pinagdaanan para palakihin ang anak nila ni Paolo Contis.
Sa Instagram post ni Lian, sinabi niya na binalak niyua sanang mangibang bansa para maitaguyod ang kanyang mga anak na sina Xonia at Xalene.
"Looking back to the time i was thinking to go out of the country to work para sa future ng mga bata, Waaaahh naiiyak ako iniisip ko pa lang," sey ni Lian.
Kaya naman nagpapasalamat siya sa Diyos na hindi siya hinayaan na mawalay sa kanyang dalawang supling.
"Ngayon ko lang naisip how the Lord worked in my life so faithfully, hindi niya ako iniwan kahit kailan, he keeps on pursuing me and with that, I am forever thankful," wika ni Lian.
Matatandaan na dating binunyag ni Paolo na hindi siya nagbibigay ng sustento para sa kanyang mga anak.
Ngunit pagklaro niya, nag-iipon naman daw siya para sa mga ito.
"I had my reasons why, but I'm saving for them. I have some savings for them that, hopefully, one day, I could give them straight," saad ni Paolo.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment