Sapol ng sibakan na ipinatupad sa Malacañang ang mga opisyal na "close" umano kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa source ng online news Politiko, walong matataas na opisyal ng gobyerno ang kasama sa mga pinatalsik sa kanilang mga puwesto.
Tinukoy ng source sina National Coast Watch Council Secretariat executive director at Undersecretary Edmund Tayao at Undersecretary Crisostomo Beltran ng Presidential Management Staff (PMS) na kabilang sa mga sinibak ng Malacañang.
Kasama pa umano sa mga sinipa sa kanilang mga puwesto sina Assistant Executive Secretary Margarita Yu, Assistant Executive Secretary Jone Rechie Gigayon, Presidential Complaint Center (PMC) Director James Mabilin, Malacañang Records Office Director IV Zeny Ferollino-Enad at Director III James Juper Aguilar; at Anti-Terrorism Council-Program Management Center Director Generoso Bolina.
Wala pang kumpirmasyon tungkol dito ang Malacañang.
MIKE DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment