Dahil dalawang araw na lamang bago opisyal na magsimula ang campaign period para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, nanawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga kandidato na istriktong sumunod sa regulasyong itinakda ng Commission on Elections (COMELEC).
Pinaalalahanan ang lahat ng mga kandidato sa darating na eleksyon na ang paglalagay ng campaign materials sa mga sumusunod na pampublikong lugar ay mahigpit na ipinagbabawal mula October 19 hanggang 28:Publicly owned electronic announcement boards tulad ng LED display boards, LCD monitors, at iba pang other government property; Government-owned vehicles tulad ng patrol cars, ambulances, at iba pang sasakyan na may government license plates; Public transportation vehicles na pag-aari at kontrolado ng gobyerno tulad ng MRT, LRT, PNR, at iba pang tipo ng publiv transportation.
Waiting shed, sidewalk, street at lamp post, electrical post, traffic sign, pedestrian overpass and underpass, flyover and underpass, bridges, streets, center island sa streets at highways; Schools, public shrines, barangay hall, government offices, health centers, public structures o buildings; and public transportation terminals na pag-aari at kontrolado ng gobyerno tulad ng bus terminals, airports, seaports, docks, piers, train stations, at iba pang tipo ng terminals.
Pinaaalalahanan din ni Lacuna ang mga kandidato at kanilang mga taga-suporta na base sa Comelec rules and regulations, ang paglalagay ng legal campaign materials ay pinapayagan lamang sa mga designated common poster areas at private properties.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment