Tatakbong kagawad ang nagpakilalang ex-lover ni Francis Magalona kung saan inilihim daw nila ang kanilang relasyon ng 15 taon.
Sa Facebook account ni Abegail Rait, naka-profile picture na ang kanyang campaign poster kung saan nakasaad na siya'y tatakbong kagawad.
Sa Barangay Toclong sa Kawit, Cavite kakandidato ang dating karelasyon ng pumanaw na legendary rapper.
Matatandaan na lumantad sa 'Pinoy Pawnstars' ni Boss Toyo si Abegail kung saan pinakilala niya ang anak nila ni Francis M.
Sa naturang YouTube vlog ay binenta niya ang jersey ni Francis M na nagkakahalaga ng P500,000.
Halo-halo ang naging reaksyon ng mga netizen sa paglutang ni Abegail at anak niya kay Francis na si Gaile Franchesca.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment