Laglag sa National Bureau of Investigation ang dalawang Korean national matapos mahuli sa akto ng `live streaming' na pakikipagtalik sa isang Pinay at kanilang kababayan sa loob ng condominium unit sa Mactan, Lapu-lapu City noong weekend.
Sinabi sa ulat ng NBI na ang `live show' ay ipinapalabas sa pamamagitan ng Korean online mobile application.
Nabatid na pawang mga miyembro lang ng grupo ang makaka-access sa online na palabas, na nagbabayad para sa membership bukod pa sa ibang bayad para makapasok o konek sa kanilang mga `live broadcast.'
Nakumpiska mula sa unit ang mga cellphones, computers, kama, ring lights, condoms, costumes, vibrators, dildo, underwears at calling cards ng foreign national na nagpapakilala bilang mga producer ng mobile app.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga ahente ng NBI-CEBDO sa pangunguna ni Agent-in-charge Arnel Pura.
Isa sa mga naarestong Koreano na si Yunyeong Kim at isang dalagang Pinay ay naaktuhan habang nasa sexual acts. Si Tae Young Han Han naman ang nagsilbing videographer.
Sinabi ng NBI na dumating sa bansa ang mga dayuhan noong Setyembre ng nakaraang taon, gamit ang tourists visa.
Sinabi ni Pura na ang modus ng nasabing mga Koreano ay mag-broadcast ng live na sekswal na aktibidad sa pagitan ng mga kalalakihan Koreano at mga babaeng Pilipino.
Ang mga babae ay binayaran umano ng P5,000 kada pagtatanghal.
Kakasuhan ang mga Koreano ng paglabag sa Republic Act 1182 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, ani Pura.
Nasa kustodiya na ngayon ng gobyerno ang mga nasagip na biktima at sasailalim sa counselling.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment