Pinagbabaril ng isang gunman ang isang dating alkalde ng bayan ng Cateel, Davao Oriental, sa labas ng isang fast food chain sa Barangay Buhangin sa lungsod na ito nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Giselo Velasco Castillones, ang dating alkalde ng Cateel mula 1983 hanggang 1986, na nakaupo sa passenger seat ng kanyang sasakyan at papaalis na sana sa fast food chain bandang alas-10 ng umaga nang lapitan siya ng hindi pa nakikilalang attacker at pinagbabaril.
Batay sa ulat ng Bajada Police Station, kasama ni Castillones ang kanyang driver na si Junie Castro, na sugatan, at isang Alma Lozentes, na hindi nasaktan, sa pag-atake.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na pistola.
Ayon sa mga saksi, sumakay ang gunman sa isang motorsiklo at mabilis na tumakbo patungo sa Buhangin area.
Idineklara namang patay si Castillones ng rumespondeng mga tauhan ng Central 911, habang si Castro ay dinala sa malapit na ospital para magamot at ngayon ay nasa stable na kondisyon.
Sinabi ng mga saksi na ang bumaril ay nakasuot ng tube mask at maroon cap na nakatago sa kanyang mukha, sabi ng pulisya.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment