Naaresto ang isang vlogger na wanted sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga matapos nitong makipag-collab sa isang undercover cop sa Pasig City.
Sa video ng pagaresto makikitang walang kaalam-alam ang nasabing vlogger at nakipag-selfie pa ito sa nakasibilyang pulis bago siya arestuhin.
May arrest warrant ang vlogger sa Tacloban, Leyte dahil sa kaso tungkol sa ilegal na droga. Binabaan ang kaso nito at pansamantalang nakalaya matapos na pumasok sa plea bargain agreement ngunit nang makalaya, hindi na ito nagpakita sa iba pang pagdinig sa kaso at naglaho na.
Sa Pasig nagtago ang suspek at gumamit ng ibang pangalan na alias Jason Go hanggang sa natutong maging vlogger. Nang dumami ang kaniyang followers at mag-post ng videos, dito na siya natunton ng mga awtoridad.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment