Nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 taong gulang na batang babae na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking sa Candelaria, Quezon
Isinagawa ang rescue operation ng mga operatiba ng (NBI-AHTRAD) katuwang ng Lucena District Office (NBI-LUCDO) at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Candelaria.
Sinabi ng NBI na ang impormasyon sa biktima ay isinangguni ng Australian Federal Police sa pamamagitan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center.
Nauna rito, isang Filipino citizen ang naaresto at nakasuhan sa Australia na may kiƱalaman sa child-exploitation-related crimes nang matagpuan sa kanya ang child abuse at exploitation material.
Sa imbestigasyon, sinabi ng NBI na nakilala ng kanilang AHTRAD agents ang address ng isa sa mga biktima sa bayan ng Candelaria.
Sinabi ng NBI na ang pagsisiyasat ay patuloy pa rin upang matukoy, arestuhin, at usigin ang mga responsable.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment