Tila uminit na ang ulo ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa matapos umakyat sa 107 ang mga naitatalang kaso ng fireworks-related injury sa bansa.
Nitong Disyembre 29, nakapagtala ang DOH ng 107 firecracker-related injuries, 97 percent nito ay nangyari sa mga tirahan.
"Na-hit na natin yung more than 100 injured. Hindi ako happy doon," ani Herbosa sa isang press conference.
Dagdag pa ng ahensiya, Sa Metro Manila ang may pinakamaraming bilang ng firecracker-related injuries na may 41 kaso, na sinundan ng Central Luzon, Ilocos, SOCCSKSARGEN, Cagayan, Bicol, Calabarzon at West Visayas, ayon sa datos ng DOH.
Sabi naman ni Dr. Aleli Sudiacal, DOH regional director para sa National Capital Region, ang bilang ng mga pinsalang may kaugnayan sa paputok ay halos pareho sa pagitan ng 2022 at 2023.
Aniya rin, ang bilang ng mga kaso sa NCR ay tumaas ng higit sa 10 beses.
"If hindi makikinig ang ating sambayanan sa ating panawagan… tataas pa po ito," ani Sudiacal.
Samantala, nagpaalala naman si Herbosa na ang mga biktima ng pagkalunok ng paputok at mga pinsala ay dapat na agad na dalhin sa ospital kahit maliit lang ang sugat.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment