Kaagad nasawi ang isang negosyante nang barilin ng riding in tandem na nakasuot ng long sleeve na Joyride at helmet sa kahabaan ng NLEX service road, sakop ng Bayangay Malhacan, Meycauayan, Bulacan.
Sa report kay PNP Provincial Director, Colonel Relly Arnedo, kinilala ang biktima na si Ryan Paul Semion, nasa hustong gulang, residente ng Lawang Bato, Valenzuela.
Base sa paunang imbestigasyon, 9:30 ng umaga nang maganap ang pamamaril habang kasama ng biktima ang kanyang ina, Raquel Semion.
Matapos ang pamamaril, kinuha ng mga salarin ang bag ng biktima na naglalaman ng P100K bago mabilis na tumakas.
Ang mga salarin ay sakay ng kulay itim na Aerox motorcycle.
Tinugis ng isang witness, Michael Jose Y Arquio, na naka-motorsiklo ang mga salarin, subali't pinaputukan ito at masuwerteng hindi tinamaan.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga operatiba laban sa mga salarin.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment