Sisibakin sa serbisyo ang sinumang pulis-Maynila na mapapatunayang magpapaputok ng kanilang service firearms sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sinabi ni Manila Police District Director PLt. Col Arnold Thomas Ibay, na kaagad na tatanggalin sa tungkulin ang sinumang pulis na magpapaputok ng kanilang service firearm nang walang dahilan.
Ayon kay Ibay, hindi na seselyuhan ang baril ng mga pulis dahil baka ito ay gamitin nila sa biglaang pangangailangan.
"Marami namang alternatibong pampa-ingay, kapag napatunayan na nagpaputok sila, dismiss kaagad sila sa serbisyo," ayon kay Ibay.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment