Kailangan pa rin patunayan ng prosekusyon na sinadya ng isang akusado ang krimen kahit ang pagkakasala ay hindi nangangailangan ng criminal intent bilang isang elemento.
Ito ang inihayag ny Supreme Court (SC) Third Division matapos baligtarin ang naging desisyun ng Court of Appeals (CA) at ipawalang sala ang akusado na hinatulan dahil sa paglabag sa Presidential Decree (PD) No. 957 o ang Subdivision and Condominium Buyers' Protective Decree (PD 957).
Kinatigan ng SC ang petition for review ng akusadong si Felix Valenzona, ang pangulo ng real estate company na ALSGRO Industrial and Development Corporation.
Taong 2003 nang pumasok sa dalawang kasunduan na magbenta ang ALSGRO kay Ricardo Porteo ng dalawang lote sa Bayfair of Margana Subdivision sa Laguna.
Gayunman naberipika ni Porteo sa Registry of Deeds sa Muntinlupa City na ang kontrata ay hindi nakarehistro salig sa itinatakda ng Section 17 ng PD 957 kung kaya kinasuhan si Valenzona.
Nakasaad sa desisyon ng SC na ipinawalang sala ang akusado dahil magkaiba ang intensyon na gawin ang krimen (intent to commit the crime) at ang intensyon na gawin ang kilos (intent to perpetuate the act).
"While volition or voluntariness refers to knowledge of the act being done (as opposed to knowledge of the nature of the act), criminal intent is the state of mind that goes beyond voluntariness, and it is this intent which is punished by crimes mala in se."
Para mapanagot si Valenzona, kailangan mapatunayan na sinadya nitong hindi irehistro ang naturang kontrata.
Sinabi ng SC na hindi basehan na dahil si Valenzona ang presidente ng kumpanya ay dapat na itong mapanagot.
Ayon sa Korte walang sapat na ebidensya para patunayang guilty beyond reasonable doubt si Valenzona.
ATTY. EDNA DEL MORAL
No comments:
Post a Comment