Ibinunyag ng dating tagapagsalita ng MalacaƱang na labas-pasok na umano sa Pilipinas ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) para kalkalin ang reklamong extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon kay dating presidential spokesman Atty. Harry Roque sa kanyang social media page, nalaman niya ito batay sa "A-1 information" na natanggap niya.
Iginiit ni Roque na labag sa Saligang Batas ang ginagawang pag-iimbestiga ng ICC sa Pilipinas dahil hindi na miyembro ang bansa ng ICC.
"Sabi ng dati naming kasama, labas-pasok diumano ang mga puti galing sa ICC. So meron po akong confirmation na talagang nag-iimbestiga ang mga dayuhan dito sa Pilipinas na labag sa ating Saligang Batas dahil hindi na nga po tayo miyembro ng ICC, hindi nadapat sila nag-iimbestiga," ani Roque.
Si Roque ang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa reklamong inihain sa ICC kaugnay sa war on drugs nito.
Nagtataka si Roque dahil tila nagbago aniya ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pahayag nito noon na wala ng ugnayan ang Pilipinas sa ICC dahil hindi na nito miyembro ang bansa.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment