May ilang illegal na paputok ang pinapalitan lang ang pangalan at patuloy pa rin na ibinebenta at inaalok umano ito sa social media.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), batay sa kanilang monitoring, partikular na ang mga tindahan sa Bocaue, Bulacan ay pinalitan lang ang mga pangalan ng mga illegal na paputok.
Kinabibilangan ito ng 'Bin Laden', 'plapla' at 'goodbye COVID'.
Nauna nang pinaalalahanan ng PNP ang publiko na iwasang bumili ng mga paputok online.
Samantala, bago ang selebrasyon ng Bagong Taon, nasa tatlo naman na ang naaresto matapos magbenta sa online ng mga paputok, ayon sa mga awtoridad.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment