Salamat sa mga kumpanya na sumusunod na sa naturang batas. Nawa ay maging 100% ang pag-comply dito dahil ito ay isa sa mga batas na kailangan natin upang mapanatiling ligtas ang mga motorista sa kalsada.
Ang RA 10916 o Road Speed Limiter Act of 2016 ay isang batas pambansa na nagbibigay proteksyon para sa mga commuter o sumasakay sa mga pampublikong sasakyan gayun din para sa mga motrista. Isinusulong ng nasabing batas ang isang proactive o maagap na pamamaraan upang mabawasan, kung hindi man tuluyang maiwasan, ang mga aksidente sa kalsada na may kaugnayan sa tulin ng mga sasakyan. Ang Batas Pambansang ito ay ipinatupad noong 2016 at ang mga sasakyang nasasakop nito ay ang mga pampublikong sasakyan katulad ng bus, company shuttle at mga malalaking sasakyan katulad ng mga close van, hauler, trailer trucks at mga tanker truck.
Nakasaad sa Road Speed Limiter Act na ito na ang lahat ng mga sasakyang panlupa na sakop ng batas na ito na kinakailangang maglagay ng speed limiter. Nakapaloob din sa batas na mandatory ang pagkakaroon nito upang makapagrehistro o makapag-renew ng rehistro ng sasakyan sa LTO at ng LTFRB franchise. Ang sinumang driver ng naturang mga sasakyan na nahuling nagpapatakbo ng walang speed limiter ay magmumulta ng halagang limampung libong piso (50,000.00). May karagdagang ding isang buwan (1month) na suspension sa lisensya ng driver at suspension ng prangkisa ng sasakyan sa loob ng tatlong buwan para sa unang beses na mahuhuli.
Ang Land Transportation Office o LTO, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at DOTC na ngayon ay Department of Transportation (DOTr), ang mga ahensya ng gobyerno na inatasan na magpatupad ng batas na ito. Ngayong taon, ang MMDA ay inaasahang magpapatupad na din nito sa kalakhang Maynila.
Ang Victory Liner, Solid North Transit at Baliwag Bus ay ilan lamang sa mga bus company na mayroon ng mga speed limiter sa kanilang mga bus. Kung kayo ay nakasakay na sa bus na may speed limiter, may tutunog na matining na beep sounds tuwing lalampas na sa takdang tulin ang mga ito. Salamat sa mga kumpanya na sumusunod na sa naturang batas. Nawa ay maging 100% ang pag-comply dito dahil ito ay isa sa mga batas na kailangan natin upang mapanatiling ligtas ang mga motorista sa kalsada.
- Warren Celestino
No comments:
Post a Comment