Umabot sa "acutely unhealthy" level ang kalidad ng hangin sa Makati City ngayong Bagong Taon, Enero 1, 2024, batay sa datos ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau's (DENR-EMB).
Sa air quality index alas-10 ng umaga nitong Lunes, nakapagtala ang EMB ng air quality value na 224 sa Makati City.
Nangangahulugan ito na nakakuha ang monitoring station ng DENR ng air particles na mas mababa sa 2.5 micrometers ang laki.
Ang ganitong monitoring station ay kayang makakita ng microscopic particles na mas mapanganib kung makakarating sa baga at dugo, sinabi ng US-based Center for Disease Prevention.
Dahil dito, inaabisuhan ang mga residente ng Makati na limitahan muna ang mga aktibidad sa labas ng bahay.
Sinabi pa ng kagawaran na ang mga taong may heart o respiratory diseases katulad ng asthma ay dapat na manatili sa loob ng bahay at dapat ding kanselahin muna ang hindi naman importanteng mga lakad.
Maliban sa Makati City, nakapagtala rin ang DENR ng air particles na mas mababa sa 10 micrometers sa ilang lungsod. Ito ay ang mga sumusunod:
Mandaluyong – 144 (Very Unhealthy)
Makati – 65 (Fair)
Caloocan – 46 (Good)
Pasig – 98 (Fair)
Pateros – 41 (Good)
Taguig – 44 (Good)
San Juan – 53 (Fair). CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment