Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makalagpas at makaalis sa kahirapan ang mga Pilipinong tumatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang New Year's message kung saan pangarap niyang maka-graduate sa kahirapan ang lahat ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ng Pangulo na kaya mayroong iba't ibang programa ang pamahalaan ay upang maihanda ang mga mahihirap na Pilipino sa pagbangon at mabago ang kanilang buhay.
Kabilang sa mga tinukoy ng Pangulo ang mga programang TUPAD, Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at iba pang programang nakakatulong para makaahon sa kahirapan.
"Kaya nga ang pangunahin at tamang konsepto ay pantawid, hindi palagian. Ang epektong ayuda hindi binuhurol ang tao sa kahirapan. The objective is to graduate from poverty," anang Pangulo.
Sinabi pa ng Presidente kaya mayroong libreng edukasyon para sa mga mahihirap na estudyante at mga scholarship upang maihanda ang mga benepisyaryo sa kanilang kinabukasan at maiahon ang kanilang pamilya para sa mas magandang buhay.
Katulad aniya ng ibinibigay na livelihood programs, ito ang susi para mapahusay ang kakayahan ng mga tao para makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Para naman aniya sa mga magsasaka na binibigyan ng mga ayuda gaya ng butil,pataba at subsidiya sa langis, paraan ito ng gobyerno para makabuwelo ang mga magsasaka at makapagsimula muli hanggang sa mapalago ang tulong na ibinibigay sa kanila ng gobyerno.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. ang mga tulong na ito ay hindi permanente dahil hindi pinapayagan ng gobyerno na nakadepende ang mamamayan sa gobyerno.
"Thus, most ayudas are not a type of permanent welfare, because we do not promote a life of dependency," dagdag ng Pangulo.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment