Target ng Philippine National Police (PNP) na makapagpatayo ng 127 bagong istasyon ng pulis sa buong bansa ngayong taon.
Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ang kanilang plano ay para maging mas epektibo ang PNP sa paghahatid ng serbisyong pangkapayapaan at kaayusan sa mga mamamayan.
Sa pamamagitan din aniya ng mga karagdagang istasyon ay mas mapapahusay ang administratibong sistema ng pambansang pulisya.
Madali ding makareresponde ang mga pulis at makakahingi ng tulong ang publiko kahit na sa liblib na lugar sa bansa.
Dapat aniyang matiyak ng PNP ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente.
Sinabi naman ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, P1.44 bilyon mula sa aprubadong budget ng PNP para sa 2024 ang nakalaan para sa pagtatayo ng 127 bagong istasyon sa 13 Police Regional Offices.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment