Nalason ng pagkain ang ilang miyembro ng Malacañang Press Corps, Malacañang Cameraman Association at Presidential Photojournalists Association noong nakaraang Miyerkoles, Enero 10.
Dahil dito, agarang nagsagawa ng imbestigasyon ang Presidential Communications Office (PCO) sa insidente upang sa gayon ay hindi na ito maulit sa hinaharap.
"We, at the Presidential Communications Office (PCO), take occupational safety and health in high regard. Rest assured that steps are now being undertaken to investigate the matter so that we can avoid events like these in the future," ayon sa liham ni PCO Assistant Secretary Rowena Otida sa MPC President.
"In fact, we have complained and suspended orders and deliveries from concerned caterer starting today, and have instructed both our food providers and our admin personnel to take additional precautions during serving of meals," dagdag pa sa liham na may petsang Enero 12, 2024.
Binanggit pa ng opisyal na masusi nilang sinusubaybayan ang paggaling ng mga apektadong miyembro ng media at handang magbigay ng assistance kung kinakailangan nila.
Ayon sa mga ulat, marami ang sumakit ang tiyan at nagtae pero hindi na kinailangan pang magpaospital dahil sa bahay lang nagpagaling. Kasama rin sa sumakit ang tiyan ang ilang staff ng Malacañang.
Ang caterer ay sinasabing prominenteng indibiduwal na nakasungkit ng kontrata sa gobyerno dahil sa mga koneksyon.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment