Maglalagay ng hotline ang Department of Education sa mga pampublikong paaralan upang tumanggap ng mga reklamo laban sa bullying.
Ito'y matapos lumabas sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakakaapekto sa performance sa examination ng mga estudyante ang nararanasang bullying hindi lamang sa mga paaralan kundi pati sa online.
Sa press briefing sa MalacaƱang nitong Huwebes (Enero 11), sinabi ni DepEd Undersecretary Michael Poa na karamihan sa mga natanggap na reklamo ng Learner Rights and Protection Office ay puro bullying.
"Gusto natin magkaroon ng hotline na mas madaling matandaan para talagang magamit ng mga bata," sabi ni Poa.
Batid umano nila na maraming estudyante ang takot na magsumbong kaya maaaring gawing anonymous ang gagawing pagtanggap ng mga reklamo para sa kaukulang imbestigasyon.
Dagdag pa ni Poa na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health para sa pagsusulong ng counselling sa mga paaralan at referral kapag kailangan na ang mga eksperto.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment