Hinatulang guilty sa kasong indirect contempt ng Supreme Court si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) Spokesperson Lorraine Marie Badoy.
Dahil dito, ipinataw ng SC ang P30,000 multa laban kay Badoy.
Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ni Manila RTC Br 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar laban kay Badoy.
Bunga ito ng post sa FB Account ni Badoy kung saan ininsulto niya ang hukom at pinagbantaan pa.
Ito ay matapos na ibasura ng hukom ang petisyon ng DND para ideklarang teroristang grupo ang CPP NPA sa ilalim ng Human Security Act.
Bukod sa pagkastigo at multa, mariing binalaan ng Korte Suprema si Badoy na mahaharap sa mas mabigat na parusa kung uulitin ang ginawa nito o muling masasangkot sa kahalintulad na aktibidad.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment