Isang protesta ang niluluto ng iba't ibang grupo na tutol sa Charter change sa Pebrero 25, ang ika-38 anibersaryo ng People Power Revolution.
Ito ang isiniwalat ni House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa isang press briefing nitong Biyernes.
"Panawagan namin to all parties involved to this so-called Peoples Initiative dapat po ay i-end na nila ito. Tapusin na nila ito. Wag i-deceive ang public to pursue their personal interest," sabi ni Brosas.
Ang makikinabang lamang sa Charter change, ayon kay Brosas ay ang mga dayuhang mamumuhunan, malalaking kompanya, at mga politiko.
"Nagsasama-sama na ang iba't ibang mga organisasyon na hindi sumasang-ayon sa Charter change…… In fact, magkakaroon ng No to Charter change coalition action, magkakaroon po ng mobilization sa February 25," sabi ni Brosas.
Bukod sa People's Initiative, dapat din umanong abandonahin ang pag-amyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
Habang ginagawa ang balitang ito, wala pang inilalabas na impormasyon ang pulisya kung paano nasangkot ang film director.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment