May susubukan daw na gamot ngayon si Kris Aquino upang maisalba ang kanyang puso.
Kapag hindi raw tumalab ang gamot, mataas ang tsansa niyang ma-cardiac arrest o atakihin sa puso.
Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Valentine's Day, live na nagbigay si Kris ng update tungkol sa lagay ng kanyang kalusugan.
Nananatili siyang nasa Amerika para magpagamot sa kanyang autoimmune diseases.
Ani Kris, magang-maga ang muscles na pumapalibot sa kanyang puso.
"'Yung sa akin, 'yung pamamaga, hindi lang sa labas ng puso kundi doon sa middle layer," wika ni Kris.
"Ngayon ako hihingi talaga… I'm sorry na parang ang kapal ng mukha ko dahil ang tagal n'yo na akong ipinagdarasal, but I really need it now.
"Because on Monday, papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot. This is my chance to save my heart. Because kung hindi ito tumalab… I stand a very strong chance of having cardiac arrest," saad pa niya.
Dagdag pa niya, maaaring tumigil na lang ang pagtibok ng kanyang puso habang natutulog.
"May gamot na susubukan, but there is a very big risk involved with that medicine. Because hindi binibigay ang gamot na ito na hindi ka binibigyan muna ng steroids. You need it para hindi ka magkaroon ng anaphylactic shock," ayon pa kay Kris.
Magiging kritikal aniya ang lagay niya matapos ang Lunes dahil mawawalan siya ng immunity.
"After Monday, wala na akong immunity. Puwede na akong dapuan ng kahit anong sakit at wala akong panlaban doon."
Gayunpaman, inilahad niyang nais pa niyang mabuhay para sa kanyang mga anak, pamilya at iba pang mga taong nagmamahal sa kanya.
"I really want to stay alive. Sino ba naman ang sasabihin na, 'Handa na akong mamatay?' I don't think any of us can say that," wika ni Kris.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment