Binulabog ni Janine Gutierrez ang Instagram, dahil sa sexy photo niya, na kahit balot ang upper part, eh, panty o bikini lang kasi ang suot sa ibaba.
Ang ganda ng konsepto na nasa bahay kubo siya, at nakaupo sa pasamano sa pinto. At lantad na lantad ang magandang hubog ng kanyang legs, lalo na ang balingkinitang katawan.
Ang mga kapwa niya taga-showbiz nga ang nag-react nang husto, na parang hindi na sila sanay na makita si Janine na seksing-seksi, dahil sa karakter niya sa 'Dirty Linen' noon, ha!
At siyempre, nataranta ang mga boylet, dahil katakam-takam naman talaga ang lumantad sa harap nila.
"Halika na, umuwi ka na! Daming pera niyang si Aidan, hindi ka mabilhan ng shorts!" sabi ni Christian Bables.
"Paawat ka na. Patay ka na naman sa akin pagkita natin!" banta ni Darla.
"Ang ganda mo!" chika ni Sylvia Sanchez.
Heto pa ang chika ng iba:
"Awardan na `yan!"
"Ay palaban!"
"Huhuhu, grabe na siya."
"Kailangan namin ng bumbero, burning hot si Janine."
"Grabe, sizzling hot."
Para nga pala sa summer campaign ng Bench ang pictorial na 'yon ni Janine.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment