Tumaas ang kaso ng dengue sa probinsya ng Iloilo kasabay ng nagpapatuloy na El Nino phenomenon.
Ayon kay Dr. Maria Socorro Quiñon, hepe ng Iloilo Provincial Health Office (IPHO), naitala ang 141 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Pebrero 3.
Nagrirepresenta ang bilang na ito ng bahagyang pagtaas mula sa 139 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Nanawagan si Quinon ng mas pinalakas na implementasyon ng 4S strategy sa dengue prevention at tumutok sa pagpuksa ng mosquito-breeding sites.
Sakop din nito ang pro-active measures katulad ng early consultation, self-protection, fogging o spraying operations kung kinakailangan.
Dahil sa nararanasang tagtuyot ay napipilitan ang mga residente na mag-imbak ng maraming tubig.
Ito ay nagsisilbing breeding grounds ng mga lamok, lalo na kung hindi matatakpan.
Nagbabala si Quiñon na posible pang tumaas ang mga kaso ng dengue kung mapapabayaan ang preventive measures.
Apat lamang sa 43 local governments sa Iloilo ang wala pang naitatalang kaso ng dengue. Ito ay ang Anilao, Batad, Concepcion at Zarraga.
Pinakamataas naman ang naitalang kaso ng dengue sa Oton sa 18 kaso, sinundan ng Passi City sa 11.
Nasa 40% ng dengue cases ay edad 1 hanggang 10 taon.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment