Nali-link ngayon ang seksing aktres na si Ivana Alawi sa mayor ng Bacolod City.
Matatandaang noong January inamin ni Ivana na happy ang kanyang puso dahil may love life siya ngayon.
Non-showbiz daw ito at wala na siyang sinabing ibang details patungkol sa lalaking nagpapatibok ng kanyang puso.
May kumakalat namang chika tungkol kay Ivana at kay Bacolod City Mayor Albee Benitez.
Sa February 6 episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update", napag-usapan ang pagli-link kina Ivana at Mayor Albee matapos diumanong maispatan silang magkasama sa Japan at sa Baguio.
Ayon kay Ogie, kailangang linawin agad ito ni Ivana para hindi na lumala pa at mabigyan ng malisya.
Dati na raw kasing na-link si Ivana sa isang congressman.
"Mahirap namang husgahan natin si Ivana. So kailangan si Ivana rin ang sumagot niyan. Paano niya lilinawin 'yan ano. Kung siya nga 'yung tinutukoy.
"Kung hindi naman siya, please disregard the previous message," pahayag ni Papa Ogs.
Sey pa ng talent manager-showbiz insider, sana raw ay hindi totoo ang tsismis kina Ivana at Mayor Benitez.
Sa gitna ito ng isyu tungkol sa pagsasama ni Mayor Benitez at kanyang asawang si Nikki.
Sa mga hindi nakakaalam, si Mayor Benitez din ang owner ng Brightlight Productions, na nagpo-produce ng mga TV show at pelikula.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment