Nanguna ang Land Transportation Office sa mga reklamo sa mga problema sa government transactions na ipinadala sa Anti-Red Tape Authority, anito nitong Huwebes.
Hanggang nitong November 2023, may kabuuang 16,099 reklamo ang naipadala sa ARTA, ayon kay Director General Ernesto Perez.
Bagama't hindi tinukoy ng ARTA ang eksaktong bilang ng LTO-related complaints, sinabi ni Perez na karamihan sa mga kaso ay may kaugnayan sa fixing concerns.
"Karamihan po doon ay LTO cases as a result of our entrapment operation," wika ng opisyal.
Aniya pa, bagama't marami pang kailangang gawin upang maalis ang red tape sa LTO, mayroon nang "substantial improvement" sa mga nakalipas na taon matapos ang serye ng entrapment operations laban sa fixers.
Isinusulong ng ARTA ang digitization ng government transactions bilang long term solution para sa transparency at convenience.
"Nabawasan naman kahit papaano. Ngayon, 'pag nag-renew ka ng driver's license mo, mabilis na kasi fully automated na sila. Kung ang LTO branch ay fully automated, hindi na nila kailangan ng fixer para makuha ang kanilang lisensya o car registration," ani Perez.
Inilahad naman ni ARTA Deputy Director General for Legal Undersecretary Geneses Abot na nakipagpulong ang ahensya sa LTO upang tugunan ang mga nasabing reklamo.
"We need the cooperation with the agencies itself para internally, they can make measures para mapigilan ang fixing… Medyo matagal na at ingrained na actually sa culture kaya dapat sa loob mismo mag-ayos," ayon kay Abot.
Nanawagan ang ARTA sa publiko na iulat ang mga kaso ngfixing st "inefficient" na serbisyo ng gobyerno.
Samantala, kinuwestiyon kamakailan ng ilang grupo ang umano'y paniningil ng LTO para sa nakaraang information technology provider sa kabila ng pagkakaroon ng bagong IT system na tinatawag na Land Transportation Management System (LTMS).
Base kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza, 3 porsyento lamang ng transaksyon ng ahensya ang ginagamitan ng lumang IT provider at ang LTMS ay "not yet fully operational" sa buong bansa.
Sa ilalim ng kontrata sa naunang provider ng LTO, pinapayagan ang payment fees "for specific transactions that cannot be processed under the LTMS," paliwanag ni Mendoza kay Transport Secretary Jaime Bautista.
Ayon pa sa LTO chief, naaantala ang pagproseso sa ilang transaksyon dahil nagkakaaberya sa LTMS.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment