Viral ngayon sa social media ang kalunos-lunos na sinapit ng alagang aso ng isang fur parent matapos itong patayin at isilid sa sako ng kanilang kapitbahay.
Sa Facebook post ng fur parent na si "Vina Rachelle," labis ang panlulumo niya nang makita ang golden retriever dog niyang si "Killua" na wala nang buhay at naka-sako na.
"[M]ahal na mahal ko yan. we found his lifeless body inside a sack ðŸ˜ðŸ˜," saad sa caption ni Vina kalakip ang mga larawan ni Killua kasama ang pagkita rito na wala nang buhay.
Sa iba pa niyang posts, isinalaysay niyang nakawala siguro ang alaga at sinabi niya ring hindi sanay ang aso niya sa labas ng bahay.
Nagbahagi rin si Vina ng isang CCTV footage na kung saan makikitang hinahabol ng isang lalaki si Killua at maya-maya pa ay pinaghahampas na niya ito.
https://www.facebook.com/arazasvina/videos/1595177581235091/?ref=embed_video&t=13
Nang hanapin nila ang alaga, labis na hinagpis ang naramdaman nila dahil malamig na bangkay na ito na nakasilid pa sa sako.
Kinompronta nila ang lalaking nahagip sa CCTV ngunit dumipensa itong prinotektahan umano niya ang sarili dahil kakagatin daw siya nito.
Sinabi naman ni Vina na hindi ito sapat para patayin ang kanyang alagang aso.
"[I]f nangagat man, it is not enough reason to kill my pet. [H]e was asking for apology, but no sorry could ever replace my baby," saad ng fur parent.
Samantala, maraming netizen ang naimbiyerna sa pumatay sa aso. Pinapanawagan nila sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na imbestigahan ang naturang pagpatay kay Killua.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment