Binawal ni Mayor Renato Gustilo ang pagsusuot ng protective helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa loob ng city proper ng San Carlos City sa Negros Occidental.
Ito ay dahil karamihan aniya sa mga krimen sa San Carlos City proper ay ginagawa ng mga taong naka-protective motorcycle helmet para itago ang kanilang pagkakakilanlan, ayon kay Gustilo sa kanyang Executive Order No. 86.
Noong Martes, nahuli ng pulisya ang isang naka-helmet na rider na hinihinalang naghagis ng granada na nagtangka pang tumakas sa pinangyarihan ng krimen sa Barangay Rizal.
Tatlo ang nasugatan sa pagsabog na ikinasira din ng sasakyan ng isang pulis.
Nilimitahan din ng alkalde ang bilis ng pagmamaneho ng mga motorista sa ilang lugar sa 40 kilometro kada oras para mabilis na masugpo at mas madaling makilala ang mga kriminal.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment