Inanunsyo ng Manila Water ang mga iskedyul nito ng septic tank siphoning service sa kanilang mga kostumer ngayong Marso.
Kasabay nito, hinikayat ng kompanya ang kanilang mga kostumer na samantalahin ang pagpapalinis ng poso negro dahil libre ang serbisyong ito.
Ngayong Marso, itinakda ang naturang serbisyo sa Barangays 763, 768, 779, 805, at 807 sa Lungsod ng Maynila; Bel Air, San Lorenzo, at Pio del Pilar sa Makati City; at Pag-asa, Bagong Silang, at Harapin ang Bukas sa Mandaluyong City.
Asahan din ang libreng linis ng poso negro ng mga kostumer na nakatira sa mga barangay ng Bahay Toro, Botocan, Malaya, Mariana, Socorro, West Crame, at Vasra sa Quezon City, gayundin sa Manggahan sa Pasig City; at Ligid Tipas at Pinagsama sa Taguig City.
Sa lalawigan ng Rizal, asahan din ang septic tank siphoning service sa mga barangay ng Burgos sa Rodriguez, San Juan sa Taytay, San Vicente sa Angono, at San Jose at Cupang sa Antipolo.
"We are encouraging our customers to take advantage of the siphoning services Manila Water is offering. This will prevent overflow in your households and help in minimizing water pollution," panawagan ni Corporate Communications Affairs Group Director Jeric Sevilla.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment