Umani pa ng suporta mula sa 19 bansa ang Pilipinas matapos bombahin ng tubig ng China ang supply vessel patungo sa Ayungin Shoal nitong Sabado.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO), na kabilang dito ang European Union (EU) na nagsabing lubha silang nababahala sa paulit-ulit na dangerous maneuvers, pagharang at pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard vessel at Maritime Militia sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission.
Pahayag pa ng EU, ang hakbang ng China ay naglalagay sa alanganin sa buhay at nagpapahina sa regional stability at international norms, at banta sa seguridad ng rehiyon at ng iba pa.
Nanawagan din ang EU na tigilan na ang mga ganitong hakbang at respetuhin ang international rules para masiguro ang peaceful resolution at mabawasan ang tensyon sa rehiyon.
Nagpahayag din ng suporta si US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa Pilipinas.
"The US stands with the Philippines against PRC's repeated dangerous maneuvers and water cannons to disrupt Philippine Coast Guard lawful activities in the Philippine EEZ," sinabi ni Carlson sa isang social media post.
Kinondena rin ni United Kingdom's Ambassador Laure Beaufils ang harassment ng China sa barko ng Pilipinas sa WPS dahil sa nalalagay nito sa alanganin ang buhay at damage sa barko ng sibilyan.
Muli namang iginiit ni Japan Ambassador Endo Kazuya ang pag-aalala sa paulit-ulit na delikadong hakbang ng CCG na nagresulta sa pagkasugat ng ilang Filipino.
Nagpahayag din ng suporta sa Pilipinas at pagkondena sa China sina German Ambassador Andreas Michael Pfaffernoschke; French Ambassador Marie Fontanel, Canadian Ambassador David Bruce Hartman, Australia Ambassador Hae Kyong Yu.
Gayundin ang mga bansang Czech Republic, Denmark, Finland, Hungary, Italy, South Korea, The Netherlands, New Zealand, Poland, Romania, Spain, at Sweden.
ATTY. EDNA DEL MORAL
No comments:
Post a Comment